^

Metro

Kompanya sa likod ng viral na ‘Gil Tulog’ nag-sorry

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kompanya sa likod ng viral na ‘Gil Tulog’ nag-sorry
An reported advertising campaign that replaced the street signs for Gil Puyat Avenue in Makati City to "Gil Tulog Avenue.
" News5 / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Humingi na ng paumahin sa pamilya ni dating senate president Gil Puyat at sa publiko ang kompanya ng isang supplement products  na nasa likod ng pagpapalit ng street sa mula sa ‘Gil Puyat Avenue’ sa Gil Tulog Avenue’.

Sa isang post sa Facebook ng supplement brand na Wellspring  na hindi naman intensyon na makasakit ng damdamin ng sinuman at ginamit lamang ito para isang advertising campaign at pagpapakita ng kahalagahan ng tulog sa bawat indibiduwal.

“We deeply apologize to the family of the late Sen. Gil Puyat for the harm and offense that the campaign has caused them. Rest assured that there was no intent to besmirch and disrespect his legacy,” ayon pa sa post.

Maging kay Makati Mayor Abby Binay ay nag-sorry ang naturang kompanya dahil sa umano’y “misstep.”

Una nang umalma ang great-granddaughter ng dating senador na si Erika Puyat Lontok hinggil sa nasabing advertising campaign.

“Besmirching my late great-grandfather’s name to sell freaking melatonin is so disrespectful!”ayon sa post ni Erika.

Nitong Biyernes ay mismong si Mayor Binay ang nag-utos na agarang alisin ang “Gil Tulog Avenue” street signs, dahil wala namang permiso at hindi ipinaalam sa tanggapan ng Makati City Hall ang ginawang pagpapalit ng pangalan sa sign.

Ipinaliwanag ni Binay na kung ipinaalam sa kaniya ay tiyak na hindi naman niya pahihintulutan.

VIRAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with