^

Metro

Naningil ng utang, binayaran ng bala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi inakala ng isang lalaki na ang kanyang paniningil ng utang ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan, kamaka­lawa sa Quezon City.

Naratay pa sa East Avenue Medical Center (EAMC) ng dalawang araw ang biktimang si Armin Ledesma Masangkay, 54, driver at residente ng Barangay Culiat, Quezon City bago binawian nang buhay nitong Huwebes ng umaga.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si  Gregorio Blanco Linog, 69, construction worker, kapitbahay ng biktima.

Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCDP-CIDU) nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon nitong  Martes, Hulyo 23 sa Purok 2 Certeza Compound, Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Monawara Ayunan Salamat, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek  upang maningil nang utang.

Makalipas ang  ilang sandali nakarinig na lamang ng putok ng baril si Salamat.

Nang kanyang puntahan ang bahay ng suspek nakita niyang duguan ang  biktima habang hinuhugasan ng suspek ang kanyang mga duguang kamay.

Agad ding naaresto ng mga barangay officials  at pulis ang suspek.

Nahaharap sa kasong  murder ang suspek.

EAMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with