^

Metro

86 kriminal na may warrant naaresto sa loob ng 24 oras ng Southern Police District

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
86 kriminal na may warrant naaresto sa loob ng 24 oras ng Southern Police District
Sa pamumuno ni ni PBrigGen. Leon Victor Rosete, isinagawa ang 24th Warrant Day operation mula alas-12:01 ng madalinga araw hanggang 12:00 ng hatinggabi nitong Hulyo 19, 2024 kung  saan nahuli ng kanyang mga tauhan ang 86 na indibidwal na wan­ted sa iba’t ibang paglabag sa mga lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Pa­rañaque, Makati, Taguig, Las Piñas, at Munisipyo ng Pateros.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umabot sa 86 katao na may nakabinbing warrant of arrest ang naaresto ng mga tauhan ng Southern Police District sa loob ng 24 oras.

Sa pamumuno ni ni PBrigGen. Leon Victor Rosete, isinagawa ang 24th Warrant Day operation mula alas-12:01 ng madalinga araw hanggang 12:00 ng hatinggabi nitong Hulyo 19, 2024 kung  saan nahuli ng kanyang mga tauhan ang 86 na indibidwal na wan­ted sa iba’t ibang paglabag sa mga lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Pa­rañaque, Makati, Taguig, Las Piñas, at Munisipyo ng Pateros.

Ang operasyon ay ikinategorya sa tatlong grupo na kinabibilangan ng Top Most Wanted Persons, Most Wanted Person at Other Wanted Persons.

Batay sa record, sa ilalim ng TMWP  tig isa ang nadakip ng Makati City Police Station, Pateros Municipal Police Station, Pasay City Police Station at Parañaque City Police Station habang tig dalawa naman ang  Taguig City Police Station habang  tatlo sa Las Piñas City Police Station.

Para sa MWP, ang Makati CPS ay may 1; Taguig CPS ay 4 ; ang Pateros MPS ay 1; ang Pasay CPS ay 12; Muntinlupa CPS ay 8; Las Piñas CPS  ay 6; Parañaque CPS ay 6; District Mobile Force Battalion ay isa.

Habang sa kategor­yang OWP, ang Makati CPS ay may 7; Taguig CPS ay 4; Pateros MPS ay 1; Pasay CPS ay 6; Muntinlupa CPS ay 6; Las Piñas CPS ay 8; Parañaque CPS ay 4 ; at ang District Traffic Unit/District Anti-Carnapping (DTU/DACU) ay 2.

Kabilang sa matagumpay na operasyon ang pagkadakip sa isang alyas “Charrie Sarah,” 32-anyos, na nagtago sa loob ng 14 na taon at 6 na buwan na may kasong Theft sa Makati City;  isang 54-anyos na si alyas “Alex” na inaresto sa Samar, sa kasong Murder;  at ang isang 41-anyos na si alyas “Elmer” na nagtago ng 13 taon sa kasong Rape at nadakip sa Oas, Albay; si alyas “Dominador,” 54-anyos, na nagtago ng 9 na taon sa kasong Estafa; at alyas “Jennifer na nagtago ng 2 taon sa kasong Estafa.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with