Sekyu todas sa tandem
MANILA, Philippines — Isang security guard ang patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot si Rolan Lacson, 43 ng La Forteza Subdivision, Camarin bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, nangyari ang insidente dakong alas-2:35 ng madaling araw.
Ayon sa saksing si “Michael”, 47, nakarinig siya ng putok ng baril at nakita niya ang mga suspek na papatakas sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle patungong Tala, sa nasabing lungsod.
Nakakuha naman ang SOCO ng dalawang fired bullet at basyo ng bala mula sa .9mm na baril.
Nangangalap pa rin ng ebidensiya ang pulisya tulad ng CCTV footage upang matukoy ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng suspek.
- Latest