^

Metro

Mass CPR demo idaraos sa National CPR Day

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mass CPR demo idaraos sa National CPR Day
A person doing cardiopulmonary resuscitation on a mannequin.
Image by manseok Kim from Pixabay

MANILA, Philippines — Upang maisulong ang kahalagahan ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa pagliligtas ng buhay at palakasin ang kanilang panawagan para sa pagkakaroon ng maraming first aiders, nakatakdang magdaos ang Philippine Red Cross (PRC), sa pangunguna ni Chairman at CEO Dick Gordon, ng isang mass CPR demonstration sa National CPR Day sa Hulyo 17.

Alinsunod sa Proclamation 551, ang ika-17 ng buwan ng Hulyo ay deklarado bilang National CPR Day.

“We are committed to strengthening our call to have at least one first aider in every household or workplace. We have two million volunteers nationwide, but no first responder can respond as quickly as a neighbor, a family member, or a co-worker. When that person knows first aid, further injuries and loss of lives can be averted,” ayon kay Gordon.

Ang simultaneous CPR demonstration ay accessible sa pamamagitan ng Facebook page at Zoom ng PRC, kung saan ang mga kalahok ay maaa­ring mag-aral ng pagsasagawa ng CPR. Inasahang madidiskubre rin nila kung paano ang paglikha ng improvised CPR manikin mula sa recyclable material.

Bukod sa CPR de­monstration at awareness campaign, magdaraos din ang PRC ng mga educational at fun-filled activities online at sa ground, sa pakikipagkooperasyon sa kanilang 102 chapters nationwide.

CPR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with