^

Metro

4 Indian student ikinulong, nasagip; 4 timbog!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 Indian student ikinulong, nasagip; 4 timbog!
Ang mga biktima na pawang estudyante ay kinilalang sina alyas “Ven”, 21-anyos; alyas “Vam”, 21; alyas “Kal”, 19; at alyas “Sai”, 22.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Rescue ops sa Las Piñas

MANILA, Philippines — Apat na Indian national ang matagumpay na nailigtas ng mga operatiba ng Las Piñas City Police mula sa kanilang mga kababayan na nagkulong sa kanila matapos na hindi makumpleto ang hinihi­nging danyos sa inarkilang sasakyan, sa Barangay Pamplona Tres, nasabing lungsod, nitong Biyernes.

Ang mga biktima na pawang estudyante ay kinilalang sina alyas “Ven”, 21-anyos; alyas “Vam”, 21; alyas “Kal”, 19; at alyas “Sai”, 22.

Naaresto naman ang apat na suspek na sina alyas “Ramanathan”, 22);  alyas “Devesh”, 22;  alyas “Sanjay”, 22; at alyas “Venkata”, 21; Indian nationals at pawang estudyante rin.

Nakatakas naman ang dalawa pang suspek na sina alyas “Lmahen” at alyas “Shivarishi,” na kasama rin sa ipaghaharap ng reklamong “robbery” at “serious illegal detention”.

Sa ulat ng Las Piñas City Police Station, alas- 10:30 ng gabi ng Hulyo 5, 2024 nang ma-rescue ng mga operatiba ng Station Investigation and Detection Management Section (SIDMS) ang mga biktima mula sa isang gusali sa Brgy. Pamplona Tres.

Sa imbestigasyon, Hulyo 4 alas-8:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi ng Hulyo 5, nang idetine sa gusali ang mga biktima dahil sa kabiguan na makapagbayad ng balanse na P200,000.

Ang mga biktima umano ay umupa ng Nissan Terra noong Mayo 24, 2024 at nasangkot naman sa car accident sa Nasugbu, Batangas. Siningil ng suspek na si Shivarishi ng danyos na P700,000 ang mga biktima subalit P500,000 lang ang kanilang naibigay.

Sa rescue operation, narekober ang isang Hyundai Accent (plate number DAC 2660), isang walis tinting, metal dustpan na ginagamit umano sa pananakit sa mga biktima.

Reklamo pa ng mga biktima, kinuha ang kanilang ATM cards, na pinagkunan umano ng mga suspek sa online transactions ng halagang P120,000, at maging iPhone 13 na nagkakahalaga ng ?55,000.

LAS PIñAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with