Presyo ng kamatis lalo pang tumaas
MANILA, Philippines — Lalo pang sumirit ang presyo ng kada kilo ng kamatis sa mga palengke at pamilihan sa Metro Manila at ibang panig ng bansa.
Sa Quezon City, pumalo sa P160 hanggang P180 ang kada kilo ng kamatis partikular sa Nepa Qmart sa lungsod.
Ayon sa mga vegetable vendors sa naturang pamilihan tumaas ang presyo ng mga gulay laluna ng kamatis makaraang salantain ng nagdaang bagyo ang mga pataniman ng gulay.
Pumalo rin sa P100 ang kada kilo ng pulang sibuyas at P88 hanggang P90 per kilo naman ng puting sibuyas habang ang bawang na nasa P140 kada kilo.
Una nang inihayag ni Agriculture assistant secretary at spokesperson Arnel de Mesa, naapektuhan ang ani ng mga magsasaka ng gulay sa nagdaang kalamidad kaya’t tumaas ang presyo nito.
Tinaya naman nito na hindi magtatagal ang mataas na presyo sa kamatis at babalik din sa normal ang presyo nito sa P80 hanggang P100 per kilo sa susunod na isa hanggang dalawang linggo dahil may sapat namang suplay ng kamatis at iba pang farm products sa merkado.
- Latest