^

Metro

QCRTC pinalawig ng 30 araw ang digital forensic examination ng PNP-CIDG sa gamit ng Chinese ‘spy’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinatigan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 90 ang hiling PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng dagdag na 30 araw para isinasagawang forensic examination.

Kaugnay ito ng mga kagamitang nakumpiska mula sa isang Chinese national na naaresto sa Makati City noong Mayo at hinihinalang isang espiya ng Tsina.

Sa desisyong inilabas ng QC RTC Branch 90 sa pa­ngunguna ni Presiding Judge Maria Zoraida Zabat Tuazon, binibigyan nito ang CIDG ng hanggang Hulyo 31 ng taong kasalukuyan para tapusin ang kanilang ulat.

Unang naghain ng Motion for Extension of Time to Submit Computer Data ng CIDG sa Korte na palawigin ang Warrant to Examine Computer Data.

Katuwiran ng CIDG, masyadong marami ang kagamitan ng naarestong Chinese national kaya’t hindi sapat ang naunang ­ibinigay na 10-araw ng Korte para rito.

Kabilang sa mga sinusuri ng CIDG ay ang military grade drone, antenna system at radio.

Dagdag ng CIDG kailangan na maingat at detalyado ang impormasyon ng mga nakuhang kagamitan upang malaman lawak ng kakayahan ng mga ito.

SPY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with