^

Metro

Inmates abala sa painting, pag-aaral Riot sa mga city, municipal jail nabawasan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Ruel Rivera na malaki ang naitulong ng kanilang pinaigting na programa sa   mga city at municipal jails upang maiwasan ang riot.

Sa panayam kay Rivera, sinabi nito na kailangan lamang ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang kanilang pagkakaabalahan at paglilibangan upang hindi maisip ang kanilang pagkakakulong .

Marami aniyang mga PDLs ang magagaling sa sining tulad ng painting at handicrafts.

Ayon kay Rivera, ibibigay ng Kawanihan ang lahat ng tulong sa mga PDLs upang  maging makabuluhan ang kanilang buhay sakaling lumaya.

Ani Rivera, hindi natatapos sa piitan ang buhay ng isang PDLs. Kailangan nilang matiyak na ‘reformation’ ang bawat PDL.

Maluwag na ring nakakagalaw at nakakaikot ang mga inmates sa kanilang  mga selda bunsod ng tuluy- tuloy na decongestion program.

Gayunman, tiniyak ni Rivera na magsasagawa pa rin sila ng Oplan Greyhound sa mga piitan upang masiguro na walang armas o patalim at illegal na droga ang nakakalusot.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with