Pulis, 2 pa timbog sa ‘gunrunning’
MANILA, Philippines — Nalambat sa isinagawang entrapment operation ng Southern Police District (SPD) ang tatlong katao kabilang ang isang pulis, sa iligal na pagbebenta ng mga baril sa Taguig City, nitong Martes.
Ang mga suspek ay kinila sa mga alyas na “Bobby Lewis”, babae, 28-anyos; “John”, 34; at alyas “Gary”, 34.
Sa ulat ng Special Operations Unit ng SPD, dakong alas-3:40 ng hapon nang maganap ang entrapment operation sa Acacia St., Cembo, Taguig City.
Nakatanggap ng impormasyon ang nasabing unit mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa iligal na gawain ng tatlo sa Makati at Taguig City.
Nasamsam sa mga suspek ang buy-bust money, isang Rifle Defense M16 First SAMCO Modified Color with serial number RP122190 na may 30 bala; isang Glock 17 Gen 4 na may serial number AFP058637 at may logo pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may 17 bala; at isang Arms Moravia Czech Republic na may serial number 613319 kargado ng 10 bala; isang tennis bag, isang Yamaha NMAX motorcycle na walang plaka, 3 cellphone, at PNP Identification Card ni alyas Gary.
Sa beripikasyon, natukoy din na si alyas Gary ay minsan nang naaresto taong 2021 sa reklamong Alarms and Scandal.
- Latest