^

Metro

P1.2 milyong ecstasy, marijuana samsam sa Pasay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.2 milyong halaga ng marijuana at ecstasy ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police–Drug Enforcement Group mula sa isang ‘tulak’ sa Pasay kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Batay sa ulat ni PNP-PDEG Director, PBrig. Gen. Eleazar Matta, nakatanggap ng tip ang kanilang tang­gapan hinggil sa bentahan ng illegal na droga.

Agad na ikinasa ang buy-bust operation kung saan aabot sa 700g ng marijuana gayundin ng 100 tablets ng hinihinalang ecstasy ang nasabat ng kanyang mga tauhan sa bahagi ng Service Road, Roxas Boulevard sa Pasay City.

Arestado naman ang isang pinaniniwalaang ‘tulak’ na ngayon ay nasa kustodiya na ng kanilang Special Operations Unit–National Capital Region.

Dinala na sa PNP Forensic Group sa Kampo Crame­ ang mga nasabat na iligal na droga para isa­ilalim sa laboratory examination.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

PASAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with