2,500 trabaho, alok sa Manila job fair
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang nais na makakuha ng trabaho na magtungo sa isasagawang “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” ngayong Miyerkules, Hulyo 3, sa Guadalcanal St., Sta Mesa, Maynila.
Ayon kay Lacuna, nasa 2,500 ang job vacancies na iniaalok sa job fair simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Sinabi naman Public Employment Service Office (PESO), bukas ang employment opportunities sa lahat ng high school graduates, college level, college at technical /vocational graduates.
Ang job fair ay sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment-National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpen at sumunod sa standard public health protocols.
Bukod sa job fair, may libreng medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle, parking registration, PWD/solo parent/senior citizen IDs, clearing/flushing operations, water/electricity, building permit inquiries, notary services, police clearance.
- Latest