Indigents sa Rizal tumanggap ng ayuda
MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng national government sa mga indigents sa tatlong bayan sa lalawigan ng Rizal nitong Huwebes.
Kasama ang ilang local official ng Rizal, pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang pagbibigay ng ayuda sa 2,400 na indigents bukod pa sa mga wheelchair para sa mga Persons With Disability at senior sa Binangonan, Antipolo, and Taytay.
Ayon kay Tolentino, hindi dapat natatapos ang pagtulong at pagbibigay proteksiyon sa bawat Pilipino.
Tulad aniya ni Dr. Jose P. Rizal, nagpakita ito ng sakripisyo para sa Pilipino para sa kalayaan.
Ani Tolentino, gaya ng mga sundalo at mangingisda sa Palawan at Zambales, manaig sa bawat Pilipino ang pagkikipaglaban sa soberanya ng bansa.
- Latest