Paggamit ng solar energy sa Quezon City, paiigtingin
MANILA, Philippines — Paiigtingin ng Quezon City (QC) government ang pagpapatupad sa kanilang Solarization Program ngayong taon upang maibsan ang paggamit ng mga non-renewable energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa pamamagitan ng paggamit ng solar energy at tuloy mai-promote ang climate action initiatives para sa kapakanan ng mga QCitizens.
Bilang bahagi ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa environmental initiatives ng pamahalaan para sa energy conservation ay solar powered na ngayon ang tatlong gusali ng Quezon City Hall.
“In QC we aim to prioritize reducing energy demand through efficient building solutions and transitioning to renewable energy sources in all of our city-owned infrastructures,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.
Sa ngayon ay halos may 600 photovoltaic solar panels ang nailagay na sa mga pangunahing gusali sa QC Hall. Ang 15-floor High Rise Main Building na may 180 panels, ang Legislative Building na may 108 panels at 290 panels ay sa Treasury Building.
Sinabi ni City Engineer Atty. Dale Perral, ang tatlong gusali ay equipped ng solar panels na magiging daan upang makatipid ang lokal na pamahalaan ng ?1.5 Million kada taon sa gastos sa kuryente.
Ang inisyatibang ito ay magbabawas din ng carbon footprint ng QC ng may 125 tons.
Ang matiitpid sa gastusin sa kuryente ay gagamiting sa pagmamantine at rehabilitasyon ng anim na Day Care Centers o apat na Health Care Centers kada taon.
Ngayong taon, higit 1,000 solar panels ang planong ilagay ng QC LGU sa city-owned hospitals at paaralan laluna sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, Novaliches District Hospital at Quezon City General Hospital gayundin sa Culiat Elementary School, Culiat High School, Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, New Era High School, at Tandang Sora Elementary School.
Ang QC LGU at Meralco ay planong magkaroon ng one-stop-shop sa City Hall para sa mas mabilis na adoption ng solar energy at Net-Metering applications para sa mga residente.
- Latest