Libreng concert, mass wedding dinagsa
Sa ika-453 anibersaryo ng Maynila
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Manila City Government na naging matagumpay ang libreng konsiyerto at mass wedding na isinagawa nila, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-453rd taong anibersaryo ng Araw ng Maynila.
Nabatid na jampacked ang libreng konsiyerto na dinaluhan ng libu-libong katao, habang daan-daang pares din ang nanumpa sa harap ng dambana at nakiisa sa kasalang bayan.
Mismong sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo naman ang personal na nanguna sa mga nasabing aktibidad. Pangungunahan din nila ang mas marami pang aktibidad na magaganap hanggang sa dumating ang “Araw ng Maynila” sa Hunyo 24, 2024.
Nabatid na ang serye ng konsiyerto na tinawag na “Tunog Maynila” ay nagpatuloy sa kabila ng buhos ng ulan.
Kabuuang 253 pares naman ang ikinasal sa sibil at simbahan, nitong weekend sa idinaos na ‘Kasalang Bayan 2024’.
Sa pagsasagawa ng civil rites bilang alkalde ng Maynila, binigyang diin ni Lacuna ang pangangailangan ng mag-asawa na maunawaan ang kanilang kasal at maging responsable sa kanilang desisyon.
- Latest