^

Metro

Pagsasaayos ng navigational floodgate, hiling ng Malabon LGU sa MMDA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pagsasaayos ng navigational floodgate, hiling ng Malabon LGU sa MMDA
Malabon City Mayor Jeannie Sandoval and Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Atty. Don Artes inspect the drainage declogging as part of the Bayanihan sa Barangay program of the MMDA at the vicinity of the Malabon City on June 14, 2024
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Bunsod ng epektong dulot tuwing umuulan, hiling ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval na makumpuni at maayos na ng MMDA ang nasirang navigational floodgate sa lungsod ng Navotas.

Ginawa ni Sandoval ang pahayag sa pagbisita ni MMDA Acting Chair Romando Artes sa lungsod nitong Biyernes. personal na ipinaabot ni Mayor Jeannie ang concern nito sa naturang floodgate.

Ayon sa alkalde, ba­gamat nasa Navotas ang lokasyon ng floodgate, direkta namang nagdudulot ito ng baha sa Malabon tuwing malakas ang pag ulan.

Aminado naman si Artes na nasisira ang floodgate dahil sa lagi itong nasasagi ng mga dumaraang barkong pangisda.

Tiniyak naman itong agad tutugunan ang problemang ito sa floodgate.

May plano na rin aniya ang DPWH na ir-ehab o kaya ay tuluyan nang palitan ang floodgate na halos tatlong dekada na rin ang tanda.

Umaasa si Sandoval na makukumpuni ito da lalong madaling panahon.

MALABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with