^

Metro

Travel agency sa Bulacan, pinadlak ng DMW

Mer Layson, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency sa Malolos City, Bulacan, na sinasabing sangkot umano sa ilegal na pagre-recruit ng mga manggagawang Pinoy para sa mga bogus jobs sa Europa, kapalit ng malaking halaga.

Si Usec. Bernard P. Olalia, pinuno ng Licensing and Adjudication Services cluster ng DMW, katuwang ang Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) at Malolos City Police, ang nanguna sa pagpapasara sa tanggapan ng High Dreamer Travel and Tours Services na matatagpuan sa Paseo del Congreso, Catmon, Malolos, Bulacan bago magtanghali kahapon.

Pinasalamatan naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang Filipino community sa Poland dahil sa kanilang pagtulong upang maipatigil ang ilegal na aktibidad ng naturang travel agency na nadiskubreng nag-aalok ng trabaho sa Europa sa mga Pinoy, sa pamamagitan ng kanilang Facebook account.

Kabilang sa mga trabahong iniaalok nito ay production workers, agricultural workers, cleaners, restaurant workers, construction workers, at tagalinis sa ilang European countries partikular na sa Croatia, na may buwanang suweldo na P70,000-P80,000.

Humihingi pa umano ang High Dreamer ng processing fee na hanggang P100,000 at placement fee na P300,000 mula sa bawat aplikante. Ang naturang bayad ay non-refundable at maaa­ring bayaran ng tatlong installment.

Paglilinaw ng DMW, ang High Dreamer ay walang balidong lisensiya upang mag-alok ng trabaho sa abroad, at hindi rin ito rehistradong recruitment agency sa kanilang tanggapan.

Ayon sa DMW, ang mga opisyal at personnel ng High Dreamer ay mahaharap sa kasong illegal recruitment, at isasama na rin sa listahan ng mga tao at establisimyento na may derogatory record.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with