^

Metro

Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga.

Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din siya ng BS Crimino­logy sa Philippine College of Criminology (PCCR) mula 1978 hanggang 1988 at kumuha ng kursong Law sa Manuel L. Quezon University (MLQU-LAW) mula 1989 hanggang 1993.

Nakilala rin siya bilang isang “sharpshooter” mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT) noong panahon ng WPD at naisapelikula rin ang kanyang buhay noong 1996.

Naging Criminal Law professor din si Santiago sa Emilio Aguinaldo College, Philippine College of Criminology at sa Emilio Aguinaldo College. Nagsilbi rin siyang acting executive/presi­ding judge ng Regional Trial Court (RTC) sa Manila at Tagaytay, at dating Metropolitan Trial Court (MeTC) judge sa Maynila.

Agad namang nag-courtesy call sa mga opisyal ng Department of Justice si Santiago kahapon. Kabilang aniya sa kanyang tututukan sa kanyang bagong tungkulin ay ang pagsugpo ng cybercrimes at scammers sa bansa at pabibilisin pa ang pro­seso nang pagkuha ng NBI clearance.

Ayon kay Santiago, ilan sa marching orders sa kanya ng DOJ ay pagandahin pa ang serbisyo ng NBI at ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya. 

NBI

RTC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with