^

Metro

SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan
Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS members sa Taiwan hanggang Agosto 20, 2024.
Philstar.com/Irra Lising

Sa mga Pinoy na nalindol sa Taiwan

MANILA, Philippines — Binuksan na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumang­gap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.

Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS members sa Taiwan hanggang Agosto 20, 2024.

Ayon kay SSS president at CEO Rolando Macasaet ang loan applications ay maaaring isumite sa My.SSS account.

“However, members must first visit the SSS Taiwan Foreign Office in Neihu District, Taipei City, to secure a Cala­mity Loan Reference Number (CLRN) needed in their loan applications. The CLRN is a unique 12-alphanumeric identifier provided to SSS members and is among the requirements for the calamity loan,” sabi ni Macasaet.

Sa ilalim ng programa, ang mga miyembro ay maaaring makakuha ng loan equivalent sa isang buwang salary credit o hanggang P20,000.

 

 

Ang mga requirements ng calamity loan ay dapat nakaregister sa My.SSS account sa www.sss.gov.ph at may halos 36 monthly contributions, OFW SSS member at  nakatira sa Taiwan nang maganap ang lindol at walang past due na loan sa SSS.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with