^

Metro

Driver, operator ng jeep sa pinahiya na pasahero, ipinatawag ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng “show cause order” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa driver at operator ng pampasaherong jeep na na-viral sa social media nang mamahiya ang driver nito sa pasahero na may sobrang timbang.

Sa ipinalabas na kautusan  ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, inatasan nito ang operator ng pampasaherong jeep (NWJ 221) na nakarehistro kinaFlora Magtibay at Romeo Guerrero ng Double A Transport Corporation kasama ang driver na magtungo sa LTFRB NCR sa North Fairview. QC sa Hunyo 14 ng alas-2:30 ng hapon upang ipaliwanag kung bakit hindi maaaring managot sa pagkakaroon ng discourteous driver, bigong magpasakay ng pasahero at paglabag sa safe spaces in public transportation o MC 2023-016 ng ahensiya.

Ang pagkilos ng LTFRB ay ginawa makaraang mag-viral ang video ng isang Joysh Gutierez at ireklamo sa ahensiya ang pangyayari para bigyan ng leksyon ang driver ng jeepney.

Sa viral video, doble ang sinisingil ng jeepney driver sa pasahero at hiniling na bumaba sa jeep dahil sa sobrang timbang o katabaan.

Sinabi rin umano ng jeepney driver na mabigat ang 29-anyos na pasahero kaya na-flat ang gulong ng kanyang sasakyan.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with