^

Metro

3-araw transport strike ng Manibela, umpisa na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3-araw transport strike ng Manibela, umpisa na
People join a protest caravan to oppose the government’s jeepney modernisation plan, in Manila on April 15, 2024.
AFP / Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Umpisa na ngayong Lunes ang 3-araw na tigil-pasada ng transport group na Manibela laban sa pagpapatupad ng crackdown sa mga unconsolidated jeepneys na tinamaan sa umiiral na PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, mahigit sa 25,000 tsuper at operators ang inaasahan nilang makikilahok sa transport strike na magtatagal hanggang sa Miyerkules, Hunyo 12.

Layunin ng naturang kilos-protesta na ipakita sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa ginagawang panghuhuli sa mga bumibiyaheng public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate sa April 30 deadline.

Una nang iginiit ni Valbuena na hindi pa dapat nanghuhuli ng unconsolidated vehicles ang mga traffic enfor­cers dahil may usapan na ang Kongreso at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huwag munang hulihin ang mga unconsolidated PUJs.

Dagdag pa niya, kailangan din munang mapatunayan na sapat na ang 80% ng consolidated PUJs upang pagserbisyuhan ang mga commuters, partikular na sa Metro Manila.

Bukod sa tigil-pasada, magsasagawa rin ang grupo ng pagkilos sa harap ng tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with