^

Metro

Paghuli sa mga unconsolidated PUVs, arangkada na ngayong linggo - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Paghuli sa mga unconsolidated PUVs, arangkada na ngayong linggo - LTFRB
Motorists and commuters experience heavy traffic along the southbound lane of Kamuning and the westbound lane of Philcoa in EDSA, Quezon City as work resumes on April 1, 2024.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang pang­huhuli ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga passenger jeep na hindi consolidated.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Gua­diz, kasama ang Land Transportation Office (LTO) at Metro Manila Development Authority (MMDA) tatlong lugar ang target ng kanilang operasyon laban sa mga non consolidated PUVs.

Binigyang diin ni Guadiz na hindi mabibigyan ng confirmation ng LTFRB ang mga sasakyan na hindi consolidated kaya hindi ito mairerehistro sa LTO at ito ay maituturing nang isang colorum vehicle.

Aniya ang mga colorum vehicles ay hindi maaaring maipasada at magsakay ng mga pasahero.

Ang driver ng unconsolidated vehicle na mahuhuli ay kukumpiskahin ang drivers license, babaklasin ang plaka ng sasakyan at i-impound  sa LTO impounding area sa Tarlac.

Una rito, nagbanta ang transport group na Manibela at Piston na muling magsasagawa ng kilos protesta sa Korte Suprema para igiit na magpalabas ng TRO laban sa PUV Modernization. Ang consolidation ang paunang hakbang sa PUV Modernization.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with