^

Metro

Mga kalye sa Maynila isasara sa June 12

Ludy ­Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga kalye sa Maynila isasara sa June 12
Although no cases have been recorded in the city of Manila, students and teachers of Rafael Palma Elementary School wear face masks as a preventive measure against pertussis on March 22, 2024.
STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Inihayag ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isasara ang mga kalsada sa lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12.

Batay sa abiso ng MMDA, mula alas-6 ng umaga hanggang alas- 10 ng umaga ng Miyerkules, sarado sa mga motorista ang Roxas Boulevard north bound at southbound lanes mula TM Kalaw hanggang P. Burgos; ang TM Kalaw – mula  Ma. Orosa hanggang Roxas Blvd. westbound.

Mula  ala -1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi naman ay sarado  ang Roxas Blvd. ng magkabilang  panig  mula UN Avenue hanggang P. Burgos Ave.; TM Kalaw –Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.; P. Burgos ­Avenue at Finance Road;  Bonifacio Drive – mula sa Anda Circle hanggang P. Burgos Ave.

Ang mga katabing kalsada sa loob ng Rizal Park at Quirino Grandstand ay gagamitin din para sa okasyon.

Kaugnay nito, pinayuhan ng MMDA ang mga  truck at iba pang motorista na dumaan sa mga  alternatibong ruta sa panahon ng pagsasara. 

Para sa mga public utility vehicles at pribadong sasakyan patu­ngong North, mula Roxas Blvd. ay maaa­ring  kumanan sa Quirino Ave. kaliwa sa Taft Ave. patungo sa destinasyon.

Sa mga mga pribadong sasakyan, mula sa R-10 papuntang Anda Circle, maaaring kumaliwa sa Soriano Ave, kanan sa Solana St., kaliwa sa Muralla St. diretso sa Magallanes Drive, kanan sa P. Burgos Ave. patungo sa destinasyon.

Para sa mga truck na patungong north at south, dumaan sa SLEX, Osmeña Highway, Qui­rino Ave., Nagtahan St., Lacson Ave., Yuseco St., Capulong St., R-10 Road, patungong destinasyon.

Ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay ibabatay sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko.

Samantala, sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na may kabuuang 1,156 na tauhan ang ipapakalat sa mga strategic location  upang matiyak ang maayos na pamamahala sa trapiko, kaligtasan at kaginhawahan ng lahat ng guma­gamit ng kalsada.

May nakaantabay ding mga ambulansya, trak ng militar, dump truck, tow trucks at iba pang resources sa lugar

Naka-line up ang mala-festival na pagdiriwang mula Hunyo 10 hanggang 12, na gaganapin sa Rizal Park Burnham Green sa tapat mismo ng Quirino Grandstand.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with