^

Metro

BDO, SM launch Kabayan Tuesday para sa overseas Filipino families with Piolo Pascual

Philstar.com
BDO, SM launch Kabayan Tuesday para sa overseas Filipino families with Piolo Pascual
Bago matapos ang programa, nagpakita si Piolo Pascual para batiin ang mga manonood at mag-perform ng kanyang mga signature songs.

MANILA, Philippines — ‘Di mapagkakaila ang sakripisyong ginagawa ng Overseas Filipinos (OFs) para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Kaya naman bilang pasasalamat, nag-partner ang BDO Unibank, Inc. (BDO) at SM sa pag-launch ng Kabayan Tuesday—isang exclusive promo para sa OF families para maging mas nakakatuwa ang kanilang pag- bonding sa SM malls.

Sa Kabayan Tuesday, may up to 10% off ang OF families every first Tuesday of the month sa buong taon ng 2024 sa lahat ng branches nationwide ng SM Store, SM Appliance, Watsons, Miniso, Toy Kingdom, Surplus, Baby Company, Sports Central, ACE Hardware, SM Cinema, SM Game Park, SM Bowling, and SM Skating.

Kailangan lang ipakita ang kanilang Kabayan ATM card o passbook, o BDO remittance slip para ma-avail ang discount.

Para i-celebrate ang exclusive offer, nagpa-mall show ang SM at BDO, “Kabayan Tuesday Mall Show with Piolo,” sa kakabukas lang na SM City Caloocan nitong June 4.

Pagkilala sa mga OFs

Parehong misyon ng BDO at SM na gawing makabuluhan, convenient at masaya ang experience ng Filipino families.

Ang Kabayan Tuesday ay isang paraan ng BDO para mapasalamatan ang OF families at maparating na ang BDO ay kanilang partner sa kanilang mga pangarap.

Hangad din ng SM na bigyang parangal ang OF families dahil malaking parte sila ng komunidad, at magbigay pasasalamat dahil kasama ang SM sa kanilang bonding moments.

Hindi rin nagtapos ang programa nang walang sorpresa para sa isang napiling OF family, na pinasaya mismo ng BDO ambassador na si Piolo Pascual.

Sorpresa para sa isang Kabayan

Bago matapos ang programa, nagpakita si Piolo hindi lamang para batiin ang mga manonood at mag-perform ng kanyang mga signature songs—kung hindi para sorpresahin din ang pamilya ng Japan-based na OF na si Maritess Magtabog: ang kanyang anak na si Jhared, at kapatid na si Dolores Castaneda.

Matapos kantahan, inimbitahan sila ni Piolo ng isang shopping spree sa SM Store at iba pang partner stores na kasama sa Kabayan Tuesday.

Ang shopping spree ay nagsisilbing pasasalamat ng BDO sa kanila bilang loyal na Kabayan Savings account holders.

Matapos ang 22 taon ng pagta-trabaho sa Japan, nakabili sina Maritess ng kanilang sariling bahay sa Caloocan sa tulong ng BDO.

“Nag-enjoy akong kilalanin ang Magtabog family. Bilang nagtrabaho rin ako abroad, alam ko ang sakripisyong ginagawa ni Maritess, kaya isang karangalan na makilala ko sila. Sana marami pang kabayan natin ang makapag-avail ng offer na ito mula sa BDO at SM, at lagi rin nilang maalala na kasama nila ang BDO at SM,” sabi ni Piolo.

 

Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.bdo.com.ph/personal/remittance at ang BDO Kabayan Facebook page.

BDO

OVERSEAS FILIPINOS

PIOLO PASCUAL

SM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with