^

Metro

Handbook na gabay sa pagtrato sa Muslim PDLs, inilunsad - BuCor

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Handbook na gabay sa pagtrato sa Muslim PDLs, inilunsad - BuCor
Pinangunahan nina BuCor Director Gen. Gregorio Catapang at BJMP Jail Chief Supt. Ruel Silva Rivera ang paglulunsad ng Islam Handbook in Places of Detention sa Quezon City kahapon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isang handbook na may pamagat na “Handbook on Islam in Places of Detention” na magsisilbing dagdag-gabay sa pagtrato sa mga kapatid na Muslim ang inilunsad na layuning irespeto ang kanilang religious at cultural diversity.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ang nasabing handbook ay isang milestone at magiging bahagi ng agenda sa reporma na makakatulong sa mga correction officers sa kanilang pang-araw-araw na gawain at tamang pagtrato sa mga kapatid na Muslim.

Nitong Martes nang ilunsad ang handbook sa Novo Hotel, sa Quezon City, sa pangunguna ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) na dinaluhan ni Catapang, BJMP chief Director Ruel Rivera; PNP chief P/General Rommel Francisco Marbil, National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Sheikh Sabuddin Abdurahim, secretary; Commission on Human Rights Chairman Richard Palpal-Latoc, at Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarim Centi Tillah.

 Ang nasabing handbook ay kumakatawan sa isang collaborative na pagsisikap sa pagitan ng PNP, BuCor, BJMP, NCMF, at CHR, isang inisyatiba na nagsimula noong 2023.

Ayon sa UNOCD, idinesenyo ang handbook upang suportahan ang mga custodial officers sa front lines ng mga jails at prisons at iba pang detention facilities sa bansa, gayundin ang mga senior manager at mga gumagawa ng desisyon sa loob ng mga ahensya na responsable para sa pag-iingat ng PDLs.

Nilalayon nitong tumulong sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran na nagpapaunlad ng isang kapaligirang sensitibo sa kultura, na tinitiyak na ang pagtrato sa mga PDL ay naaayon sa mga internasyonal na pamantayan.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with