^

Metro

Anti-road rage ordinance isinusulong sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng panibagong road rage sa Makati City, isinusulong ng Quezon City government ang anti-road rage ordinance bilang solusyon at makakatulong sa mga biktima ng karahasan sa mga pa­ngunahing lansangan sa lungsod.

Isang ordinansa ang inihain si QC 5th district Councilor Aiko Melendez na sususog sa Road Rage Bill sa Kamara at Road Rage Ordinance ng QC upang higit na mapangalagaan ang QCitizens laban sa mga agresibong motorista.

“Ayaw nating mangyari sa QC ang nangyari sa Makati kaya sinusugan natin ang mga panukala at batas na nagdidiin pa ng ngipin laban sa mga karahasan sa kalsada at maglalapat ng mas matinding parusa sa sangkot sa road rage hindi lamang ng mo­netary penalty kundi higit sa lahat ay maparusahan ng batas ang mga gumagawa ng krimen sa mga lansangan” sabi ni Melendez.

Ang naturang batas ay iniugnay ni Melendez sa House bill No. 1511 na nakabinbin pa sa Kamara na layong maging responsable ang mga gun holder sa lungsod.

Aniya, hindi dapat gamitin sa dahas ang mga gun holder at dapat mabigyan ng proteksyon ang mga biktima nito.

Nakasaad sa panukalang ordinansa ni Melendez na isailalim sa drug test at mabigyan ng libreng psychiatric test kung masasangkot sa road rage incident ang isang motorista. May karampatan din aniyang ayuda sa ilalim ng ordinansa ang mga biktima ng road rage sa QC.

Kumpiyansa si Melendez na maaaprubahan ang kanyang panukala dahil 80 percent na anya ng mga councilor sa QC ay pabor dito.

ORDINANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with