^

Metro

Babaeng call center agent, itinumba sa Quiapo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Babaeng call center agent, itinumba sa Quiapo
Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa A. Bautista St., kanto ng Norzagaray St., sa Quiapo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang call center agent na ginang ang patay nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si Laina Sacaluran Dorham, 41-anyos, may-asawa, na huling tumira sa Marantao Lodge, Quiapo, Manila.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng salarin na pinaghahanap na ng mga awtoridad,

Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa A. Bautista St., kanto ng Norzagaray St., sa Quiapo.

Nauna rito, ayon sa mister ng biktima, sinundo pa siya ng kanyang mag-ina. Nauna lamang umano siya ng kaunti dahil bumili siya ng kanin, habang ang mag-ina naman niya ay nagpaluto ng pansit sa isang tindahan sa naturang lugar.

Nagulat na lang ang mister nang makitang may lumapit sa asawa at kaagad na binaril.

Tila wala ring alam ang biktima na may masamang balak sa kanya ang salarin dahil binati pa umano niya ito nang lumapit sa kanila.

Naisugod pa ng mister ang misis sa pagamutan ngunit patay na ito.

Lumilitaw sa imbestigasyon na tila inaabangan talaga ng salarin ang biktima dahil batay sa kuha ng CCTV ay makikitang nakaupo ang salarin sa isang tricycle sa lugar.

Nang makatapos bumili ang mag-ina ay sinabayan siya ng suspek sa paglalakad saka isinagawa ang pagpatay.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with