^

Metro

Muntinlupa, pasok sa top 10 revenue earner sa NCR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Muntinlupa, pasok sa top 10 revenue earner sa NCR
Nakamit ng Muntinlupa ang ikasiyam na puwesto na may kita na 4.63 bilyon. Kinakatawan nito ang 13% increase sa Annual Revenue Income (ARI) mula 2022 hanggang 2023.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Kinilala ang Muntinlupa bilang isa sa 10 nangungunang revenue earner sa National Capital Region (NCR) para sa taong 2023, ayon sa datos mula sa Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF).

Nakamit ng Muntinlupa ang ikasiyam na puwesto na may kita na 4.63 bilyon. Kinakatawan nito ang 13% increase sa Annual Revenue Income (ARI) mula 2022 hanggang 2023.

“Nasa isang mahalagang yugto tayo ng pagbangon mula sa pandemya. Positibong senyales ang revenue growth hindi lang sa Muntinlupa pero maging sa mga karatig lungsod natin. Makakatulong ito sa pagpapabuti ng serbisyo para sa tao,” ayon kay Mayor Ruffy Biazon.

Binibigyang-diin ni Mayor Biazon ang dedikasyon ng lungsod sa responsableng pananalapi.

Kabilang sa Top 5 ang Quezon City (27.41 bilyon), Makati City (19.36 bilyon), Taguig City (13.54 bilyon), Pasig City (13.13 bilyon), at Manila (12.43 bilyon), na sinundan ng Parañaque (7.9 bilyon), Pasay (7.35 bilyon), at Mandaluyong (5.76 bilyon). Ang Caloocan ay nasa ika-10 na puwesto na may kita na 4.09 bilyon.

Nasa ika-11 puwesto ang Valenzuela (3.98 bilyon), Las Piñas (2.52 bilyon), na sinundan ng San Juan (2.05 bilyon), Marikina (1.58 bilyon), Malabon (1.23 bilyon), at Navotas (1.0 bilyon).

Ang Pateros, ang tanging munisipalidad sa Metro Manila, ay nasa ika-17 puwesto na may kita na 0.2 bil­yon noong 2023.

vuukle comment

DOF

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with