^

Metro

Manila officials, sumabak sa emergency training

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paglahok sa isang walong oras na kurso na isinagawa upang tiyakin ang kahandaan ng iba’t ibang tanggapan ng lungsod sa panahon ng emergency.

Nabatid na ang naturang training, na tinawag na “Incident Command System Executive Course” ay inorganisa ng tanggapan ni Manila Di­saster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles at idinaos kahapon sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

Bukod kay Lacuna, lumahok din sa training ang mga heads at representatives ng iba’t ibang ahensiya, tanggapan at departamento ng city government.

Kabilang naman sa mga nagsilbi bilang instructors sa trai­ning sina Aldrin Cuña na mula sa National Defense College of the Philippines, Robin Lim na mula sa DILG-Central Office Disaster Information Coordina­ting Center, Mark William Bocalbos na mula sa Construction Safety Foundation Inc., Cindy Garcia ng FREND Inc., at Jester Wong na mula sa Association of Philippine Volunteer Fire Brigades, Inc..

Ayon kay Lacuna, layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng tamang kaalaman at kakayahan sa panahon ng emergencies, na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga tauhan.

MDRRMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with