^

Metro

Operasyon ng LRT-1, nilimitahan sa electrical fault

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napilitan ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na limitahan ang operasyon ng kanilang mga tren kahapon bunsod umano ng electrical fault.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nanga­ngasiwa sa operasyon ng LRT-1, nabatid na naganap ang naturang electrical fault sa Bacla­ran Station ng LRT-1.

Dahil dito, nagpasya ang rail line na magpatupad ng limitadong operasyon mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon kahapon mula FPJ Station hanggang Gil Puyat southbound (unloading), at mula Vito Cruz northbound (loading) hanggang FPJ Station lamang.

Kaagad rin namang humingi ng paumanhin ang LRMC dahil sa nangyari at tiniyak na nasa lugar na ang kanilang Engineering Team upang asikasuhin ang problema.

Naayos naman kaagad ang problema at mabilis ding naibalik ang buong normal na operasyon ng LRT-1 dakong alas-12:40 ng tanghali.

LRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with