Solaire Resort-North bukas na
MANILA, Philippines — Pormal nang binuksan kahapon sa publiko ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang Solaire Resort North, sa Vertis North, Edsa, Quezon City na inaasahang dadagsain ng mga Filipino at maging ng mga dayuhan.
Ang Solaire Resort North ay may 38 palapag, 530 guest rooms, 14 na restaurant at leisure facilities kabilang ang gaming levels,health club at waterpark para sa mga bata.
Kasama ng Pangulong Marcos sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, First Lady Liza Marcos, Executive Secretary Lucas Bersamin at Solaire Resort Chairman and Chief Executive Officer Enrique K. Razon,Jr.
Ayon kay Marcos, ang nasabing resort ay indikasyon ng pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapakita ng makabagong hospitality.
Nilibot din ng Pangulong Marcos ang mga pasilidad sa nasabing resort na malaking tulong upang dayuhin ang lungsod.
“Solaire Resort North will massively enhance our luxury gaming and entertainment portfolio and solidify our standing as the leading integrated resort developer and operator in the Philippines,” ani Razon.
Ang establisimyento ay may $1 billion investment. Ang Solaire Resort North ay dagdag sa Solaire brand sa bansa.
- Latest