^

Metro

‘Car-free Sundays’ sa Roxas Blvd., larga na bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
âCar-free Sundaysâ sa Roxas Blvd., larga na bukas
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, si Vice Mayor Yul Servo ang mangunguna sa idaraos na fitness acti­vity, kasama ang mga celebrity fitness couple na sina Coach Jim Saret at Coach Toni Saret bilang programs hosts.
STAR / File

MANILA, Philippines — Daan-daang katao ang inaasahang dadagsa sa pagsisimula ng implementasyon ng “Move Manila Car-free Sunday” sa Roxas Boulevard bukas, Mayo 26, at iiral ito simula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-9:00 ng umaga.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, si Vice Mayor Yul Servo ang mangunguna sa idaraos na fitness acti­vity, kasama ang mga celebrity fitness couple na sina Coach Jim Saret at Coach Toni Saret bilang programs hosts.

Anang alkalde, maglalagay rin sila ng first aid at water stations, at road marshalls para hindi maglabu-labo ang mga tao na makikilahok sa aktibidad.

Inaasahan din na pupunta sa Roxas Blvd. ang mga delegasyon mula sa iba’t ibang sektor sa Maynila na sasabay sa walking, jogging, running, at biking.  Maaari rin umanong mag-skateboarding o mag-roller skating sa lugar.

“Handang-handa na po ang lahat para sa Move Manila Car-Free Sunday sa Roxas Boulevard sa darating na Linggo, May 26. City hall field personnel are continually checking the road and sidewalk conditions. The rerouting map and traffic personnel are ready,” ayon pa kay Lacuna.

Magkakaroon din umano ng Zumba competition na paglalabanan ng iba’t ibang School Parent-Teachers Associations (Manila SPTAs).

“Among the groups we invited include the Barangay Councils and Sangguniang Kabataan, city hall officials, non-government organizations, school parent-teachers associations, sports clubs, running clubs, at cycling clubs,” dagdag ng lady mayor.

HONEY LACUNA

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with