600 PTV media workers makakakuha na ng social security coverage - SSS
MANILA, Philippines — Eligible na sa social security coverage at protection ang may 600 cameramen, production assistants, reporters, at newscasters na nagtatrabaho sa state run-People’s Television Network (PTV) sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program ng Social Security System (SSS).
Ito ay makaraang lumagda sa isang kasunduan sina SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at PTV General Manager Analisa V. Puod sa isang simpleng seremonya sa SSS Main Office sa Quezon City.
Ang makasaysayang partnership ng dalawang government institutions ay isang mahalagang hakbang sa paglalaan ng SSS benefits sa mga job order (JO) workers sa government television network.
Hinikayat din ni Macasaet si Gen. Manager Puod at iba pang PTV officials na iparehistro ang kanilang mga JO workers bilang miyembro ng SSS.
“We laud the initiative of PTV to help their JO workers secure their future and prepare for their retirement by becoming SSS members. We thanked PTV for allowing their JO workers to get the social security protection they deserve,” sabi ni Macasaet.
- Latest