Deniece Cornejo pwede nang dalawin sa correctional
MANILA, Philippines — Maaari nang tumanggap ng bisita si Deniece Cornejo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City na nahatulang makulong bunsod ng kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng actor/TV host na si Vhong Navarro.
Kasalukuyan pang nasa kustodiya ng CIW-Reception and Diagnostic Center (RDC) hanggang sa matapos niya ang 60 araw.
Noong Mayo 2, 2024 nang ipasok sa CIW si Cornejo kasunod ng promulgasyon ng kaso ng nasabing araw ng Taguig Regional Trial Court Branch 153, kung saan siya ay nahatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkabilanggo at kanselahin ang inilagak na piyansa.
Bukod kay Cornjeo, nahatulan din guilty beyond reasonable doubt sa nasabing kaso at pinatawan din ng reclusion perpetua ang mga kapwa akusadong sina Cedric Lee, Simeon Palma Raz Jr. at Ferdinand Guerrero.
Nabatid na nitong Mayo 16 ang ika-15 araw ni Cornejo sa RDC, na simula upang pahintulutan siyang mabisita.
- Latest