^

Metro

Engineer arestado sa P5 milyong extortion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang inhinyero ang inaresto sa entrapment operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal investigation (QCPD-CIDU) matapos ireklamo ng pangi­ngikil ng P5 milyon ng isang insurance agent at isang negosyante kamakalawa ng gabi.

Himas-rehas ang suspek na kinillang si Guadalou Davis Dela Fuente, 58, civil engineer at residente ng Block 82 Lot 23 Bida Sari Street, Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Jojo Antonio ng QCPD-CIDU, unang nagtungo ang mga biktimang sina Lea Galban Cardeno 59, insurance agent at Emylu Calvario Gimeno, 60, negosyante sa QCPD PS-16 upang ireklamo si Dela Fuente ng umano’y pangingikil.

Ayon sa mga biktima, nag-invest sila ng P13 milyon sa suspek para sa construction materials.

Matapos ito, humihingi sila ng mga update sa suspek para sa kanilang investment subalit walang tugon ang huli.

Alas-2 ng hapon nitong Huwebes nang pagbantaan umano sila ng suspek na hindi ibabalik ang kanilang investment kung hindi magbibigay ng P5 mil­yon.

Dito na kumilos ang QCPD PS-16 sa pangunguna ni PLt. Col Reynante Parlade at QCPD-CIDU chief PMaj. Don Don Llapitan at ikinasa ang entrapment operation.

Sa loob ng isang fastfood chain sa Quirino Highway, Brgy.  Greater Lagro, Quezon City dinakip ang suspek.

Sasampahan ng kasong robbery extortion ang suspek.

GUADALOU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with