^

Metro

Kaso vs ex-cop sa ‘missing beauty queen’, ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kaso vs ex-cop sa âmissing beauty queenâ, ibinasura
Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon
PNA/ File photo

MANILA, Philippines — Ibinasura ng piskalya sa San Pablo City, Batangas ang kasong “kidnapping at illegal detention” laban kay dating Police Major Allan de Castro at driver bodyguard nito kaugnay ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Sa resolution na inilabas noong Abril 23, 2024, sinabi ng regional prosecutor na walang sapat na basehan ang kaso laban kay De Castro at driver bodyguard nito na si Jeffrey Magpantay.

“Dismissed without prejudice,” ayon sa prosecutor.

Miyerkules, Mayo 15 nang matanggap ng pamilya Camilon ang kopya ng desisyon.

Ayon naman sa PNP-Calabarzon, maghahain sila ng “motion for reconsideration” kaugnay sa naging desisyon ng piskalya.

Una nang inamin ni De Castro ang kanyang relasyon ay Camilon subalit hindi sa kaso ng pagkawala nito. Itinanggi rin ni Magpantay ang pagkakasangkot sa kaso.

Samantala, dismayado ang pamilya Camilon sa pagbasura ng Regional Prosecutor sa isinampang kaso.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na si De Castro ang huling kasama ni Camilon bago siya napaulat na nawawala noong nakaraang Oktubre sa Batangas.

Batay sa pahayag ng ilang testigo, nakita nila si Magpantay at dalawang iba pa na may inililipat na babaeng walang malay at duguan sa isang sasakyan.

Sa kabila ng nangyari, umaasa pa rin ang pamilya ni Camilon na magkakaroon ng linaw ang pagkawala ng beauty queen.

CATHERINE CAMILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with