Indonesian na kinidnap sa Makati, nasagip sa Cavite
MANILA, Philippines — Matagumpay na nasagip ng awtoridad ang isang Indonesian national na dinukot sa Makati City, makaraang makatakas sa kamay ng mga abuductors nito sa Barangay Malabag, Silang, Cavite, kamakalawa.
Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng Barangay Malabag hinggil sa isang dayuhang lalaki ang kanilang natagpuan sa tapat ng Unida Christian Church at humihinngi ng tulong.
Sa salaysay ng biktima na kinilalang si Teddy Sufendy, Indonesian national, 28-anyos, empleyado ng POGO-Search Engine Maintenance sa Alphaland Corporate Tower, residwnte ng Knightsbridge Residences, Makati City, Metro Manila, dinukot umano siya ng ilang kalalakihan noong Mayo 4 sa Makati City. Isinakay umano siya sa isang van at dito iginapos saka pniringan ang kanyang mga mata.
Habang naandar umano ang sasakyan, kinakausap umano siya ng mga suspek at sinabihan na utusan ang asawa nito na mag-download umano ng Telegram upang doon sila mag-usap.
Isang lugar umano sa Tagaytay City dinala ang biktima na safehouse ng mga suspek. Dito umano siya itinago ng may ilang araw at nito ngang umaga ng Mayo 13, nakakuha siya ng pagkakataon na makatakas.
Lakad-takbo umano ang ginawa ng biktima hanggang sa makarating siya sa lugar kung saan ito natagpuan ng mga barangay officials.
Dagdag ng biktima, kinuha ng mga kidnapers ang kanyang iPhone 15 cellphone, wallet at pera nito.
Kasalukuyan nang hawak ng Silang Police ang biktima at nakikipag- coordination na ang mga ito sa Makati City Police at Bureau of Immigration and the Embassy of Indonesia, Manila.
- Latest