^

Metro

NBP naghigpit, ‘strip search’ ipatutupad sa lahat ng dalaw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang imbestigasyon sa iniulat na reklamong inihain ng mga asawang political prisoners nang isailalim sila sa “strip search” sa kanilang pagbisita ka­makailan sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kasabay nito, bukas ang ahensya kung sila ay iimbestigahan para malinawan ang posis­yon ng BuCor sa mga usapin na may kinalaman sa pagbisita sa persons deprived of liberty (PDLs), ani Catapang na kasalukuyang nasa Malaysia na dumadalo sa isang summit.

Paliwanag ni Catapang, mahigpit na ipinapatupad ang strip search sa lahat ng ­operating prison at penal farm ng ahensya kasunod ng pagdami ng mga bisitang nahu­ling nagpupuslit ng mga kontrabando na inilagay sa “private parts”.

Ibinunyag ni CCInsp Roger Boncales, acting superintendent ng NBP sa kanyang ulat  kay Catapang na dapat ipatupad ang “strip search” sa lahat ng bisita ng mga PDL dahil napatunayang hindi epektibo ang random search at frisk search.

“Dumarami ‘yung gustong magpasok ng kontrabando at kung saan-saang parte ng katawan nila itinatago, kaya dapat po mas maging mahigpit pa tayo,”ani  Boncales.

Mula Oktubre 2023 hanggang nitong nakalipas na Marso ay nakapagtala na ng 30 insidente ng mga bisitang nagpupuslit ng iligal na droga at sigarilyo na ipinapasok sa ari at ang iba ay nakatahi pa mismo sa underwear, upang maitago.

“We have to be strict, without fear or favor in the implementation of strip search, otherwise we will negate in our responsibility of protecting our PDLs and if we exempt an individual, we might be accused of giving VIP treatment,” paliwanag ni Catapang.

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with