^

Metro

Magtiya natepok sa ‘heat stroke’!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Magtiya natepok sa ‘heat stroke’!
Uploader Philip Darilay gave netizens a beautiful treat to end the week as he shared the picturesque view of the sunset in Naga City, Camarines Sur on May 12, 2023.
Photos courtesy of Philip Darilay

Natagpuang naagnas sa bahay

MANILA, Philippines — Naaagnas na ang katawan ng isang se­nior citizen at kanyang pamangkin nang madis­kubre ng mga awtoridad nang kanilang pasu­kin ang isang bahay na pinanggagalingan ng masangsang na amoy kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Nora Tiongson y Torralba, 72, isang senior citizen at Gerald Kinsky Torralba y Radaza, 37, empleyado; kapwa residente ng Block 80 Lot 46 Florante at Laura St., Brgy Grea­ter Lagro, Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Runald Ceniza ng Que­zon City Police District-Station 16, dakong alas-10 ng gabi nitong Miyerkules nang magtungo sa nasabing address ang kaopisina ni Radaza na si Roderick Reyes.

Nabatid na ilang araw nang hindi pumapasok sa trabaho si Radaza kaya inutusan si Reyes ng kanilang opisina na bisitahin ang una.

Makailang ulit na kinakatok ni Reyes ang bahay ng mga biktima subalit walang sumasagot kaya napilitan itong humingi ng tulong sa mga opisyal ng Barangay Greater Lagro.

Sa pagpasok ni Ex-O Vincent Andrew Tesoro, at mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) na sina Ramil Dacumos, Elenita Ganuelas, Ignacio Calilong at Alesandro Muyuela, nakakasulasok na amoy ang bumungad sa kanila kaya napilitan na nilang sirain ang bintana ng bahay. Nakita nila si Radaza na nakahiga sa sopa at wala nang buhay.

Kasunod na duma­ting ang SOCO team mula QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PCpt John Agtarap at sa kanilang pagsisiyasat ay nadiskubre naman ang bangkay ni Torralba sa loob ng kuwarto nito.

Kapwa naaagnas na ang mga bangkay ng biktima.

Sarado ang buong bahay at wala namang nawawala sa gamit ng mga biktima.

Posible umanong na-heat stroke ang mga biktima na sanhi ng kanilang ikinamatay.

HEAT STROKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with