Marikina, may job fair sa Labor Day
MANILA, Philippines — Muling maglulunsad ng job fair ang pamahalaang lungsod sa Miyerkules, Mayo 1, 2024, Araw ng Paggawa.
Ang naturang aktibidad na pinamagatang “Labor Day Job Fair,” ay gaganapin mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa SM City Marikina.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ang Labor Day Job Fair ay upang mabigyan ng pagkakataon at pag-asa ang mga jobseekers na hindi nakapunta o sa mga hindi pinalad na matanggap sa trabaho, sa katatapos na Job Fair 2024 nitong Sabado.
Nabatid na kuwalipikadong dumalo sa Labor Day Job Fair ang sinumang Filipino na nasa 18 taong gulang o higit pa, high school graduate, college level, o college graduate.
Kabilang sa kasali sa job fair ay ang Citiworks Manpower Resources Corp., CNT Promo & Ads Specialists, Inc., Excel Pro Placement and Services, Inc., Excelsource Multi-Purpose Cooperative, Homeworld Shopping Corp., Metro Jobs and Payment Solutions Inc., Philsilk Road Trading Inc., Primeline Products Philippines, Inc., at RBQ Food Concepts, Inc..
Lalahok din ang Servicio Filipino, Inc., Sports Central (Manila) Inc., Staff Search Asia Service Coop., Strongbond Philippines, Inc., Top Derma Innovations, Inc., TWA, Inc. (Flying V), Twireless Inc., Volare General Services, Inc., JCW Outsourcing and Management Services, Inc., CMG Retail, Inc., Onesimus Corpo., DDT Konstract, Inc., Ford, Staffwise Solutions, Inc., Right Goods Philippines Inc., Fast Logistic, Pag-asa Steel, Alpha Life Insurance Agency, Inc., SM Supermalls at Union Bank.
Makikiisa rin ang Philippine Statistics Authority, Social Security System (SSS) at Pag-IBIG sa aktibidad upang maiabot ang kanilang serbisyo sa mga aplikante.
- Latest