Suspensyon ng klase sa Manila, pinalawig hanggang Abril 26
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na nararanasang matinding init ng panahon, pinalawig ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan ang suspensiyon ng face-to-face (F2F) classes (F2F) sa lungsod hanggang sa Abril 26.
Bukod sa unang direktiba ni Lacuna na suspension ng klase kahapon sa pumpubliko at pribadong paaralan sa lungsod, suspendido na rin ang F2F classes ngayong araw hanggang Biyernes.
Kasunod na rin ito nang anunsiyo ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na muling makakaranas ng hanggang 44°C na danger heat index level ang lungsod sa mga nasabing araw.
Ayon kay Lacuna, sakop ng bagong kautusan ang lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Maynila.
“BREAKING: Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares suspension of face-to-face classes for public and private schools in all levels for Thursday and Friday, April 25 and 26, 2024. This is due to the forecasted danger heat index level of 44°C according to the Manila Disaster Risk Reduction Management Office,” bahagi ng direktiba ni Lacuna, na isinapubliko ng Manila Public Information Office (PIO), na pinamumunuan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, at ipinaskil sa social media.
Pinayuhan din ni Lacuna ang mga paaralan na magdaos na lamang muna ng asynchronous classes sa mga nasabing araw.
“Schools are advised to shift to asynchronous classes,” dagdag pa nito.
- Latest