^

Metro

‘Walang panghuhuli, paniniket sa mga e-bikes, e-trikes’ - MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinagpaliban  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghuli, paniniket at pagpapataw ng parusa sa mga  tricycles, kuligligs,e-bikes, kariton, at e-trikes na gumagamit ng national roads sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA­ ­Acting Chairman Don Artes na natanggap nila ang direktiba ng Pa­ngulo noong Huwebes ng umaga na suspindihin ang pagpapatupad ng MMDA Regulation 24-002 Series of 2024.

“Our president is a compassionate leader, and he is sensitive to the sentiments of the public, as some of the violators claimed that they were not aware of the regulation, do not know the alternative routes, and have not yet adjusted their routine in the use of their electric bikes,” pahayag ni Artes sa press briefing sa MMDA Head Office, sa Pasig nitong Biyernes.

Sinabi ni Artes na pag-aaralan ng ahensya kung paano gagawin ang pagkansela ng citation tickets na inisyu sa 290 violators at ang pagbabalik ng 69 na impounded na sasakyan mula Abril 17 hanggang sa suspensiyon ng pag-iisyu ng tiket kahapon ng umaga.

Sa ilalim ng palugit, ipagpapatuloy ng MMDA ang pagsita  sa mga lalabag  ngunit hindi mag-iisyu ng mga tiket at hindi ma-i-impound ang mga sasakyan. Sa halip, ipapaalam sa kanila ang regulasyon at papayuhan tungkol sa mga alternatibong kalsada na maaari nilang gamitin.

Bago umano matapos ang isang buwan na grace period, magsusumite sila sa Pangulo ng rekomendasyon.

Mananatili pa rin aniya, ang P2,500 na multa pagkatapos ng grace period, sa paliwanag na pagpaparusa ang nasabing halaga dahil kung mas mababa ang halaga ay uulit-ulitin lamang ang mga paglabag.

Isinantabi din ni Artes ang mga pagpuna sa mahigpit na implementasyon ng regulasyon  sa pagsasabing “ang batas ay mahigpit, mabigat; pero ang batas ay dapat sundin. Just like any regulation on traffic rules and policies, we will strictly enforce them, without partiality.”

Dapat ding sundin ang inilabas na guidelines sa registration  ng Land Transportation Office.

DON ARTES

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with