PBA player, hinuli sa EDSA busway: Nagtangka pa raw manuhol?
MANILA, Philippines — Isang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) ang nagtangka umanong manuhol ng isang traffic officer matapos itong masita dahil sa pagdaan sa EDSA busway.
Batay sa isang video footage na isinapubliko kahapon ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), makikita ang ginawang aktuwal na tangkang panunuhol ng PBA player na si Raymond Almazan ng Meralco Bolts team sa isang operatiba nila.
Ayon sa ulat ni SAICT Coast Guard Jayson Montemayor, kasalukuyan silang nagsasagawa ng operasyon sa EDSA busway noong Abril 15 nang isang hindi awtorisadong sasakyan ang naglakas-loob dumaan sa carousel.
Nang sitahin umano nila ang behikulo, nadiskubreng minamaneho ito ni Almasan.
Napansin ng operatiba na naglabas ng pera ang manlalaro at kinuyumos ito paabot sa nasabing officer. Ang naturang insidente ay nahuli sa isang video footage.
Kaagad naman tinanggihan ng officer ang suhol ng manlalaro at saka ito inisyuhan ng violation ticket na Disregarding Traffic Sign (DTS) at Failure to carry OR/CR.
- Latest