^

Metro

Fire volunteer, nabagsakan ng nasusunog na kisame, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang fire volunteer ang nasawi nang mabagsakan ng kisame ng isang nasusunog na bahay sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima na nakilalang si CK Oliver, 25, ngunit binawian din ng buhay dakong alas-10:00 ng gabi.

Batay sa ulat ng San Juan City Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Isla Batis, sa San Juan City.

Higit 12 fire truck ng mga bumbero at fire vo­lunteers ang rumesponde sa sunog, na malapit lamang sa isang oil depot.

Sinawimpalad namang mabagsakan ng kisame si Oliver habang naglalakad na ang kanilang grupo palabas ng mga nasusunog na tahanan.

Labis naman ang pagluluksa ng pamilya ni Oliver dahil ang buhay anila nito ang naging kapalit ng kanyang kabayanihan.

Tiniyak naman na ng BFP-National Capital Region (NCR) na pagkakalooban nila ng kinakailangang mga tulong ang pamilya ni Oliver.

Nabatid na umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang aapula dakong alas-8:00 ng gabi.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P1.5 mil­yon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy.

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with