^

Metro

Ban sa e-trike, e-bike sa Metro Manila umpisa na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ban sa e-trike, e-bike sa Metro Manila umpisa na
E-trikes and tricycles are seen plying along Taft Avenue in Manila on February 3, 2024.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Kasado na ngayong araw, Lunes, Abril 15, ang pagsisimula ng ban o pagbabawal sa mga light electric vehicles o e-vehicles sa mga national roads sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

Ito’y alinsunod sa ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), noong Pebrero.

Alinsunod sa resolusyon, hindi na papayagang dumaan ang mga light e-vehicles, kabilang ang mga e-bicycles (e-bikes) at e-tricycles (e-trikes) sa mga national, circumferential at radial roads sa Metro Manila.

Kabilang sa mga lansangan na hindi maaaring daanan ng mga light e-vehicles ay ang R1: Roxas Boulevard; R2: Taft Avenue; R3: SLEX; R4: Shaw Boulevard; R5: Ortigas Avenue; Ro: Magsaysay Blvd/Aurora Blvd.; R7: Quezon Ave./ Commonwealth Ave.; R8: A. Bonifacio Avenue; R9: Rizal Avenue; R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway; C1: Recto Avenue; C2: Pres. Quirino Avenue; C3: Ara­neta Avenue; C4: Epifanio Delos Santos Avenue; C5: Katipunan/C.P. Garcia; C6: Southeast Metro Manila Expressway; Elliptical Road; Mindanao Avenue; at Marcos Highway.

Bukod sa mga naturang light e-vehicles, hindi na rin pahihintulutan na dumaan sa mga naturang lansangan ang mga tricycle, pedicab, pushcarts at mga kuliglig.

Nagbabala ang MMDA na ang mga lalabag sa nasabing ban ay papatawan ng multang P2,500.

METROPOLITAN MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with