Taas presyo sa petrolyo ngayong Abril, larga na
MANILA, Philippines — Umpisa ngayong Martes, tataas na muli ang presyo ng mga produktong petrolyo na kauna-unahan sa buwan ng Abril.
Ayon sa mga kumpanya ng langis dakong alas-12:01 ng madaling araw ay magtataas na sila ng presyo.
Sa magkakahiwalay na pahayag ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Jetti, PTT, Seaoil at Shell, itataas nila ang presyo ng gasoline sa P 0.45 kada litro pero babawasan naman ang presyo ng diesel sa P0.60 kada litro.
Ang CalTex, Shell at Seaoil ay babawasan naman ang presyo ng kerosene sa P1.05 kada litro habang inaasahan namang susunod na ang iba pang mga kumpanya ng langis.
Nitong Semana Santa ay nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil firms na nasa P2.20 kada litro ang gasolina habang ang diesel at kerosene naman ay nagtaas sa P1.40 at P1.30 kada litro.
Sa pahayag ng Department of Energy, kada taon ay mayroong adjustments sa presyo ng gasoline, diesel at kerosene kada litro na nagtataas mula sa P7.75, P5.10 at P1.05.
Samantala, ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ay ibinalik naman sa dati nitong Abril 1. Ang presyo ng LPG ay binawasan ng P1 kada kilogram habang ang Regaso ay nag-rollback sa P0.30 kada kilogram.
Sa nasabing pagbabago ng presyo ay makikita na bumaba ng P3.30 hanggang P11 ang 11 kilogram ng LPG cylinder na gamit sa mga kabahayan.
- Latest