^

Metro

MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB
Motorists were seen freely traveling along northbound and southbound portions of EDSA on March 24, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Itinigil na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang TWG ng rekomendasyon sa Kongreso ngayong Mayo hinggil sa kalalagayan ng MC taxi service kaya itinigil na nila ang pagdaragdag ng bilang ng mga MC Taxi operators na kasali sa pilot study.

“Magsa-submit na ang TWG ng recommendation sa Kongreso ngayong Mayo nang resulta ng aming ginawa... ” sabi ni Guadiz. Anya, ang desisyon ng Kongreso ang susundin ng LTFRB hinggil sa magi­ging kalagayan ng mga MC Taxi service sa bansa.

Nilinaw ni Guadiz na ang MC Taxi ay sagot sa problema ng pagkalat ng mga habal-habal na mga motorsiklo na nagsasakay ng pasahero ng walang permiso mula sa LTFRB.

Ang MC Taxi service anya ay trained ang mga driver at mayroon ding insurance ang mga pasahero nito. Sagot anya ito sa matinding daloy ng trapiko. Sa ngayon anya ay may 51,000 slots ng MC Taxi sa Metro Manila at hindi na ito madaragdagan pa.

MC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with