Lider ng ‘Ramos Robbery Gang’ timbog sa raid
MANILA, Philippines — Nasakote ang sinasabing lider ng “Ramos Robbery Hold-up Gang” nang isilbi ang search warrant ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Las Piñas City Police Station sa kaniyang hideout kung saan nasamsam ang isang 12-gauge shotgun, nitong ng Sabado ng umaga.
Bukod sa target na si alyas “Mamut”, 38-anyos, diumano’y lider ng nasabing criminal group, binitbit din ang isang alyas “Kath”, 36-anyos, dahil sa pagharang sa mga awtoridad.
Naganap ang operasyon alas-8:00 ng umaga ng Marso 23, 2024 sa bahay ni Mamut sa Brgy. Manuyo Uno, sa pangunguna ng mga operatiba ng Intelligence Section, kasama ang mga tauhan ng Zapote Police Sub-station at Special Weapons and Tactics (SWAT).
Isasailalim na sa inquest proceedings sa piskalya si Mamut sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearm and Ammunition Regulation Act) habang si Kath ay sa reklamong obstruction of justice at disobedience to a person in authority.
- Latest