^

Metro

6 na ‘tulak’ sa Camanava area kalaboso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na pinaniniwalaang mga ‘tulak’ ng naaresto ng mga tauhan ng Caloocan, Malabon at Navotas Police sa magkakahiwalay na anti drug operations sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area.

Sa report ni Caloocan City Police chief, PCol. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, ang mga suspek na sina alyas ‘JR’ at “Jay-Jay”, kapwa residente ng BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy. 120 ay dinamba ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa nabanggit na barangay nang magkapalitan ng marked money at isang medium plastic sachet.

Nakuhanan sa mga ito ang mahigit P90,000 halaga ng shabu na nasa 13.60 grams

Sa Malabon, sinabi ni PCol. Jay Baybayan, hepe ng Malabon City Police na alas 3 naman ng madaling araw nitong Martes nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police ng buy bust operation sa Phase 2 Paradise Village, Brgy., Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto sa da­lawang ‘tulak’ ng droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 9.0 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P61,200.00 at buy bust money.

Habang sa Navotas, sinabi ni Navotas Police City Police chief, PCol. Mario Cortes na nakalawit naman ng mga tauhan ng SDEU buy bust operation sa pangunguna ni PCapt. Genere Sanchez sa E. Rodriguez St., Brgy., Tanza 1, dakong alas-2:01 ng madaling araw sina alyas ‘Ega’ at alyas ‘Wilma’ nang pagbilhan ng shabu ang poseur buyer.

Nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000.00 ang nakuha mula sa mga ito.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Pinuri naman ni Gapas sina Lacuesta, Baybayan at Cortes sa walang humpay na operasyon laban sa illegal drugs na tugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”.

NAVOTAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with