^

Metro

Alokasyon ng tubig sa Metro Manila babawasan – NWRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Alokasyon ng tubig sa Metro Manila babawasan – NWRB
Residents line up their containers to collect water along Mel Lopez Boulevard in Tondo Manila on March 18, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Babawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa mga consumer sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam dulot ng epekto ng El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot.

Ayon sa NWRB, patuloy ang monitoring nila sa Angat Dam dahil malapit na itong su­magad sa 200 meter water elevation. Umaabot sa 212 meters ang normal high water elevation ng Angat.

Ayon sa ahensiya, nananatiling nasa 50 cubic meters ang aloka­syon ng tubig ng Angat Dam sa buong Metro Manila hanggang Abril 15 at simula Abril 16 ay ibababa na nila sa 48 cubic meters ang alokasyong tubig ng Angat para sa Kalakhang Maynila dulot ng patuloy na pagbaba ng water level nito.

Ang nasabaing Dam ang nagsusuplay ng 90 porsyento ng tubig sa Metro Manila.

Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), umabot na sa P1.75-bilyon ang halaga ng pinsalang tinamo ng sektor ng agrikultura dahil sa matinding init ng panahon sa kasalukuyan.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Sec. Arnel de Mesa, nasa walong rehiyon ang dumaranas ng dry spell kabilang na ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccksargen na sanhi ng El Niño.

Sa datos, nasa 32,231 hectares ng sakahan at 29,437 magsasaka na ang apektado nang nararanasang tagtuyot sa bansa.

NATIONAL WATER RESOURCES BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with